Thursday, August 29, 2019

Buwan ng Wikang Pambansa 2019

https://www.tagaloglang.com/buwan-ng-wika-2019/
     Tuwing buwan ng Agosto, nakasanayan nating mga pilipino na ipagdiriwang Ng Buwan ng wikang pambansa. Ito ay bilang paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging kaganapan upang maisabatas ang Wikang Filipino bilang Pambansang Wik ng mga Pilipino. 

     Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan, masasabing mahalagang salik ang wika sa tagumpay at kabiguan nga ating mga ninuno sa pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Minsan, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng pagkakaisa ng ating bansa dahil sa pagkakaroon ng iba't-ibang dayalekto sa ating bansa. Kaya't nang maisabatas ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa na batay sa wikang tagalog na siyang pinakapangunahing dayalekto ng nakararaming pangkat etiniko sa Pilipinas, unti-unting nawawala ang hindi pagkakaunawaan ng mga Pilipino.

     Ang tema ng pagdiriwang s taong ito ay Wikang katutubo, tungo sa isang bansang Filipino". Napakahalaga na tangkilikin ang ating sariling wika, sapagkat ito ay patungo sa pagkakaisa at pagkakaroon ng pagkakaunawaan sa ating bansa. At gaya nga ng sinabi ng ating pambansang bayani, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mahigit pa ang amoy sa malansang isda. 

No comments:

Post a Comment

DEPRESSION

     Depression is a common and serious medical illness that negatively affects how you feel, the way you think and how you act. Fortunately...